top of page
Search

Ano ang Binary Matrix?

  • by Gilbert Urbano
  • Jun 21, 2015
  • 4 min read

Magandang araw po. Another topic ang gusto kong e-share sa inyo. Sana may matutunan ulet para sa dag-dag kaalaman.

Malamang isa ka sa mga nakakapansin ng murang puhunan na may malaking kitaan basta maka invite or recruit ka lang ng dalawa. Maaring isa ka rin sa mga na mina marketan.

Ang tanong alam mo ba kung anong klaseng system ang ginagamit at paano ito kumikita? Yan ang mga problema ng mga kababayan natin na hindi alam ang system. Hindi alam kung nakaka buti o nakakasama dahil ang attention naka focus sa pera. At ang tanging alam na paraan ay ang pag re-recruit para kumita regardless kung anong system ang ginagamit. Regardless kumita man o hindi yung mga taong narecruit.

Ang nakaka lungkot ngayon ang networking ay mas lalong nagiging madumi dahil sa nag susulputang company na halos ang minamarket ngayon ay hindi na ang products, kundi ang maliit mong pera kikita ng malalaki. Sino bang ayaw yan diba? Ang kunti mong pera pag sinali mo ay magiging malaki. Ang tanong yun lang ba ang mahalaga ang kumita ang maliit mong pera na malaking halaga? Eh paano kaya pag nalaman mo na ang perang binabayad sayo eh ang perang galeng rin sa mga taong na rerecruit? Ano kaya malaman mo na ikaw lang kumikita at ang iba ay wala? At para kumita kailangan rin nila kumuha ng mga marerecruit para sila ay kumita. Ang saklap ano?

Ang isa mga solution dyan para magawa mong tama ang network marketing business ay pag aralan ang system na ginagamit dito. Intindihin mabuti kung ano ang network marketing. Recruit recruit ba yan para yumaman? Dahil pag natutunan mo ang tamang pamamaraan sigurado ako alam mo kung ano system na alam mo tunay na makaka tulong sa tao para magkaroon ng extra income na pang matagalan.

Ang matrix system bagamat hindi natin ito ginagamit sa ating aimbiznes ay mahalaga rin na matalakay dahil sa mga lumalaganap na mga online business na inaalok sa ating mga kababayan na hindi aware sa ibat ibang klase ng system na ginagamit ng mga company sa networking business.

Ang matrix system ay kahalintulad rin ng binary system may left at right side. Magkaiba lang sa kitaan. Ang matrix kailangan mapuno ang mga slots at ito ay tinatawag na cycle at ang kikita dito yung nauna lang. Ang susunod sa nauna yun ang susunod na kikita once na complete nya ang mga slots na kailangan punuin.

Ito ang mga matrix sample:

1) Binary Matrix 2 x 2 - Ito ay may 7 slots. Pag makumpleto ang 7 slots ay isang cycle na ito at kikita na dito yung nasa unahan or tuktok. At para kumita rin ang nasa baba ng YOU ay kailangan makapito rin sila para maka exit at kumita.

matrix3.JPG

2) Binary Matrix 4 x 4 - Ito naman ay may 15 slots Ito ang tinatawag na Reversed Binary Matrix dahil pabaligtad. Kapag na kumpleto ang 15 slots yung nasa baba ang mag e-exit at sya ang unang kikita. Para maka exit rin at kumita ang mga sumusunod ay kailangan macomplete rin nila ang kanilang 15 slots.

matrix1.JPG

3) Binary Matrix 4 x 4 (Normal) - Ito naman ang normal Binary Matrix 4 x 4. Katulad ng Reversed Binary Matrix 15 slots ang pupunuin para mag exit ang kikita ay yung nasa unahan or tuktok.

matrix2.JPG

Sa normal na operation pag tayo nag lalog-in ganyan lang ang nakikita natin sa mga individual account pero kung iyong imaginin at titingnan mabuti ang daming naiiwan na walang kita. Kung makikita mo lang o malaman ang buong system at i-intindihin kung paano nag fu-function. At dahil nga dyan sa sistema na yan ang kumikita lang ay yung mga na una. At patuloy na kumikita ang nauna dahil sila lagi ang nauunang mag exit. At kahit kaylan hindi ka mauuna. At lalong hindi ka kikita ng mas malaki sa nauna. Ang kawawa dito sa sistemang ito ay yung mga nasa hulihan or nasa table 1 o board 1. Dahil habang tumatagal ay padami ng padami times 2 ang bilang ng mga walang kita. Mag sisimula sa 14 na tao pag may nag exit na 1 tapos pag may nag exit ulet na isa ang 14 magiging 28. Dahil sa bawat 15 slots ay iisa lang ang eexit at kikita.

Ang isa mga hindi maganda sa online business na nabanggit ko na sa mga nakaraan topic ay kung ang business ay naka focus lamang sa pag re-recruit. Dahil kumikita lang ito pag may na-recruit. The moment na wala ng ma-recruit ay matitigil na ang negosyo dahil wala ng pumapasok na income. At ang mga nauna dahil sa walang pumapasok na income mag hahanap na ulet ng bagong company na masasalihan.

Ang masaklap dito nagagamit ang mga tao dahil sa pag lipat nila hihilain nila ang mga tao. Hihikayatin na naman ulet na mag labas ng pera keso kuno para maka bawi. Sa ganitong sistema ay napaka bilis ng pera sa kanila dahil pumapasok agad ang libong libong pera. At paulet ulet itong ginagawa dahil sa hindi nag tatagal ang negosyo. Ang tanong sino ang gumaganda ang buhay? Natural ang taong mautak pa sa matsing na ginagamit ang mga tao para pagka kitaan.

Kaya naman mga ka monsters dapat matuto tayo upang hindi magamit at malinlang ng mga taong gusto umasenso pero ang alam naman ay pang lalamang sa kapwa. At ang madalas na tinuturo dito ay mag recruit para kumita.

At para maiwasan ang masamang impresyon ng mga tao sa atin dahil sa mga pinag gagawa ng ibang networker ay gawin nating tama ang paraan ng pag ma-market. We just share the products and opportunity to all the people we know na pasok sa ating target market (100 uses of c24/7) at sa mga gusto magkaroon ng benefits like security and education.

Sa ganitong paraan mas magiging madali gawin ang aimbiznes at matutulungan natin ang mga tao sa pamamagitan ng ating pag sha-share. Maibabahagi rin natin sa kanila ang tamang idea sa network marketing paano ginagawa ng tama. At higit kung paano ito kumikita sa pamamagitan ng system at pag kukunsumo ng aim global product.

We invite them sa office or bco branch para makinig aim business presentation at para masaksihan na rin nila afterthen yaan natin sila mag decide once na makita nila ang kagandahan ng aimbiznes. Remember mga ka Monster our team stand for : Products and Opportunity ENDORSER globally. Power!

Happy Reading!


 
 
 

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags

Disclaimer:

This portal is not the official company website of Alliance in Motion Global, Inc.. This is an independent distributor site which aims to contribute to the growth and expansion of AIM Global, Inc., by serving its current and potential distributors, clients and all persons interested in health, wellness and financial freedom.

bottom of page