top of page
Search

Ano ang Binary System?

  • by Gilbert Urbano
  • Jun 20, 2015
  • 4 min read

Maraming nagsusulputan ngayon na online business. Kaya naman ang topic natin today ay napapanahon para maintindihan ang system kung saan nakabase ang ways to earn or kitaan.

Ano ba ang binary system? Para sa kaalaman ng lahat ang binary ay isa pinaka maganda at pinaka epektibong compensation plan na karaniwang ginagamit sa online marketing business. From the word "Bi" means dalawa. Ito ay nahahati sa dalawang side. Isang Left at Right. Minsan tinatawag ito ng Team A or Team B o kaya naman Left-Sales-Force at Right-Sales-Force.

binary.jpg

Sa ating aim global account makikita natin ang Genealogy. Ito rin ay tinatawag na Structure or Network. Makikita natin dito ang mga slots na 1 to 31. Ang nasa taas ay YOU. Dito pumapasok ang mga bumibili ng Global Package.

Downline naman ang tawag sa mga taong na bentahan mo ng Global Package at Upline naman ang tawag sayo at sa mga nauna sayo. Kung siya ang nag refer or nag endorse sayo ng negosyo. Dahil kung hindi Upline ng Upline mo yun. Upline mo na rin sa madaling salita.

At para matindihan lalo halimbawa: You Ikaw yun, ang Left at Right side mo ang downline mo kung ikaw ang refer o nag endorse sa kanila para bumili ng Global Package. At kung hindi Spillover ang tawag dun. Endorse ni upline mo or upline ng upline mo tapos nilagay sa baba mo. At ang tawagan naman ng left at right sa isat isa ay Crossline.

spill.jpg

Madami sa downlines ang nakikinabang sa spillovers. Pati iyung mga hindi gaanong nakakabenta ng Global Package ay nabibiyayaan ng downlines dahil sa mga spillover na ito. At dahil dyan nagkakaroon rin sila ng income.

Ang binary ay isang mainam na system na mayroong damayan sa kitaan. Hindi katulad ng ibang system ng mga online business ang kumikita lang yung nag e-exit. Sa binary simple lang ang arithmetic para kumita ng pairing bonus (PB) or match sales bonus (MSB) ay kailangan lang magkaroon ng laman ang Left at Right. Take note Match Sales Bonus pa lang yan.

Madaling kumita ng malaki ang mga members sa network kung nag tutulungan lang ito at susundin ang powerful strategy na "Power of 2". Sa iba ang tawag dyan "One plus two" (1+2). Isa mga ginawang requirement ng ibang business para obligado na mag recruit ng dalawa para kumita ang member. Unlike sa Binary kahit spillover lang entitled na ito kumita.

Kung ang strategy na ito ay susundin at magtutulungan na e-push ang Global Package para may bumili at makasali sa compensation plan ng aim global magiging madali ang kitaan ng 1,500 pesos.

ways2earn1.jpg

Ang kagandahan ng binary ng aim global ay may tatlong paraan ito para kumita ng 1,500 pesos ito ay mula Package to Package, Package to Products at Products to Products.

ways2earn.jpg

Ang isa pa sa kagandahan ng binary kung ma-utilize lang ng tama higit na marami ang pwedeng kumita ng 1,500 sa match sales bonus. Kung ma-imagine mo lang ang power of 2 at spillover ang mga members ay nag tutulungan, sigurado ako ang daming may income. Dahil ang binary mula sa baba hanggang sa taas ay may kita.

Sa ibang business gaya ng sinabi ko na exit-exit ang labanan ang nauuna lang ang kumikita at iilan lang. Mas maraming pera ang pumapasok sa company at mas maraming walang kita.

Halimbawa paki titigan ang image structure namakikita mo sa baba.

Kung ganito ang structure sa binary ilan kaya ang kumikita? Ang sagot ko dyan mula 64, 32, 16, 8, 4, 2 and 1 ang may match sales bonus. Next in line is 128 naman ang susunod na kikita ng 1,500 pesos. Ilan ang mag tutulungan para malagyan ang nasa baba ng 128. Lahat sila mula sa itaas 127. Pero ang 128 na yan ay bawi na sa Package pa lang at pede rin kumita ng malaki through products retailing.

Sa ibang business ang kikita lang dyan mula sa pag re-recruit ay yung 1, 2, 4, 8 at 16. At yung 32, 64 at 128 ay wala. Kung e-total mo 31 ang kumita at 224 ang walang kita. Ang daming walang income.

binary01.jpg

Kaya mahalaga sa online business na tinitingnan ang mga basehan tulad ng Products, System, Way to Earn, Package at higit sa lahat yung Target market. Kase kung walang mare-recruit at kung ang business mo nabubuhay lang sa pag re-recruit sigurado ay hindi mag tatagal at marami ring tao ang mawawalan ng pera dahil sa maling sistema.

Ang recruit or invite ay hindi ginawa para kumita mula sa mga pera ng mga tao. Kundi isang paraan para i-share ang magandang produkto at business oppportunity na pang long term at higit sa lahat may magandang sistema. Ito ang higit na nakakatulong sa tao para makamtan ang tunay na financial freedom.

Mahalaga rin sa isang online business ay may Products Re-Order dahil dyan nagkakaroon ng sales. At pag may continous na sales may continous rin na kitaan. Sa sales nabubuhay ang company at ang mga members. Dahil sa sales ang mga members nabibigyan ng malakihang LEVERAGE na kayang sagutin ang monthly expenses ng family natin. Dyan na tayo magkakaroon ng Financial Freedom dahil monthly may income na maasahan at magkakaron na rin ng Time Freedom dahil magagawa natin ang mga gusto natin gawin at lagi na tayong kasama ang pamilya.

Ang ganda diba? Sana sa na e-share kong ito ay makita mo ang tunay na kagandahan ng networking business kung paano gawin ng tama at kumita ng tama. Mahalaga rin maintindihan at matutunan mo ito dahil sa dami ng nag susulputang online business na halos eni-enganyo na lang ang marami nating mga kababayan sa malaking kitaan.

Mag ingat po tayo at sana sa pamamagitan ng natutunan natin mga monster ay wag mag alinlangan na e-share sa iba para makatulong.

Abangan nyo ulet next topic. Happy reading monster!

 
 
 

Commenti


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags

Disclaimer:

This portal is not the official company website of Alliance in Motion Global, Inc.. This is an independent distributor site which aims to contribute to the growth and expansion of AIM Global, Inc., by serving its current and potential distributors, clients and all persons interested in health, wellness and financial freedom.

bottom of page