Basehan ng tamang pag market
- by Gilbert Urbano
- Jun 17, 2015
- 4 min read
Hello again mga Monster, Good day sa lahat. May tanong ako sa inyo. Alam nyo na ba kung ano ang mga basehan upang maka pag market ka ng tama ng aim global business mo?
Well kung hindi pa let me share this to you.

Ang tamang pagma market ng ating aim bizness ay una ang pagkakaroon ng clear understanding kung ano ang network marketing. Para alam natin kung ano ang ating e-mamarket. Para hindi rin tayo maging tipong recruiter or scammer na naghahakot ng tao para lang kumita sa networking business. Marami sa sumasali hindi ito pinag aaksayahan ng panahon intidihin at binabaliwala na lang, pagkasali banat agad. Kaya ang resulta wala. Katulad ng mga karamihan walang nangyayari. Kumita man hindi pang matagalan.
Pangalawa bukod doon dapat mong maintindihan ano ang network marketing. Dapat maintindihan rin natin ang buong business dahil doon tayo kukuha ng ideas para mag market ng tama.
1.) Ano ang Network Marketing? - Ang network marketing sa maikling definition ay ito ang products movement from manufacturer down to distributor to consumer. Ang network marketing isang makabagong way para ipaabot ang bagong products sa mga consumer upang tangkilikin o bilihin ito. Hindi na gumagastos ng malaking pera ang isang company para sa advertising agency, models / artist at ads para makilala ang products at bilihin ng mga tao. Dahil ang mga distributor o consumer na mismo ang gumagawa nito at dito nagkakaroon ng malaking kitaan.
Sa tradisyonal way po kase puro gastos lang ang consumer walang kita at kahit discount wala rin. At yun ang maganda sa network marketing ngayon dahil ang mga consumer na bumibili ng products ay pede na rin kumita.
2.) Products - Patented/Unique, tested & proven, effective, high consumable, affortable, reasonable ang price at higit sa lahat kailangan ng tao. Wellness ba kailangan ng tao? Yes ang sagot dyan. Sa pamumuhay ng tao ngayon halos polluted ang environment at hindi na protektado ang kalusugan ng tao. At ito ang magandang business ngayon at sa darating na panahon, ika nga healthy na, wealthy pa.
Ang products re-order ay isa mga major reason kung bakit tumatagal ang business dahil ito ang bumubuhay kapag ito ay patuloy na tinatangkilik ng mga member. At dito nag kakaroon ng leverage ang mga members mula sa pag kokonsumo ng mga prodokto.
3.) System - Every online business ay marunong system na ginagamit. Isa mga popular na ginagamit ay ang Binary System. Some company gumagamit naman ng Matrix System. Dapat mong maunawaan aling system ba ang higit na nakakatulong sa tao para kumita. Ang sagot ko dyan Binary System. May income distribution sya sa system na makakatulong sa mga tao na kumita agad. Sa binary pede mo maunahan ang taong nauna sayo pero tamad at kumita ng higit na malaki sa mga nauna kung ikaw ay masipag. Kaya walang nauna at walang nahuli dahil ang huli ay pwedeng mauna at ang nauna pedeng mahuli.
At sa matrix system naman laging yung nauna lang ang kumikita at never kang mauuna sa nauna na sayo. At hinding hindi ka kikita ng higit na mas malaki sa nauna sayo. At higit sa lahat marami ang hindi kumikita.
4.) Ways to Earn - Dapat mong maunawaan kung ano ano ang kitaan. Ang ways to earn ay konektado sa system at syempre sa products. Basehan ito kung paano kikita ang isang members. At ang mga sumusunod ang paraan ng kitaan sa ating aimbizness.
1) Retailing
2) DRB (Direct Referral Bonus) 3) MSB (Match Sales Bonus) 4) ULB (Uni Level Bonus)
5) Stair Steps (10%, 20%, 30%)
6) Royalty Bonus
5.) Package - Ang Package ay way to join sabi ko nga golden key para makasali sa kitaan or compensation program ng aim global. Ang mga dapat isa alang alang dito ay ang mga sumusunod:
- Abot kaya ba?
- Paki paki na bang ba ang mga laman ng package?
- Sapat ba ang laman ng package kapalit ng perang binayad ng tao?
Sa ganitong paraan makikita mo at masasabi mo na maganda ang business dahil parang bumili lang ang tao ng isang products package. Its expenses in a while but the same time investment for a life time.
6.) Target Market - Dapat alam mo kung ano ang target market. Dito naka salalay ang sales. Sa mga tulad natin na isang wellness & beauty biznes ang target natin ang mga nasa listahan ng 100 cases deseases ng aim global. Yung mga taong may diabetes, high blood at anu ano pa. At ang mga taong gusto gumanda. Sila ang target market ng business.
Maraming tao banat ng banat na lang lahat kinakausap kaya pag walang napasali nadidismaya. Kase hindi alam ang target market. Kung alam mo ang target market then alam mo kung sino at anong klase ng tao ang kailangan mo kausapin sa aimbizness mo.
7.) Company
Ang pang huli dapat ang online business ay may offices, legalities at alam mo ang information ng mga owners, history dahil dito mag uumpisa ang wento ng business mo.
I hope may natutunan kayo o kahit kunti at naka narealize na rin at higit sa lahat naka pag isip isip kung paano gagawin ng tama ang aimbizness.
Muli maraming salamat sa inyo. At pagpalain pa sana tayong lahat ng maykapal.
Hanggang sa susunod mga ka monster... gbu!
Comments