top of page
Search

My thought in Network Marketing

  • by Gilbert Urbano
  • Jun 16, 2015
  • 2 min read

me1.png

Hi Monster Team, welcome po sa ating restricted room na ginawa ko dedicated para sa inyong lahat. Ang page na ito ay magiging isang parang library na makakatulong sa inyong aimbizness. Magiging guide nyo kung paano gagawing tama ang aimbizness. Para hindi matulad sa mga karamihan na mga sumubok pero walang nangyari.

Maraming salamat ulet sa inyo sa pag bili ng Global Package sa ating group. Napakalaking tulong po para sa mga kasamahan natin. Ang package na yan ang magsisilbing susi or success key para makasali sa Hybrid Compensation Program ng Aim Global. At ang system na yan ay tinatawag na Binary System.

key_to_success.png

Gusto ko rin na sana maintindihan ng lahat kung ano ang Network Marketing. Marami kase sa atin akala nila is all about recruit. Kaya naman pag alam nila sumali ka sa ganitong business ay nilalayuan ka ng mga kaibigan, kamag anak at ng iba pa. Para kang may sakit na ketong. Nasa isip nila re-recruitin mo sila. Ang nasa isip nila sumali ka sa SCAM.

Pag recruiting method kase ginawa natin ay para tayong nag adopt ng ponzi method, na kumikita lang mula sa pag rerecruit ng mga tao. Na kapag wala ka nang marecruit wala na rin kita then stop na rin ang business which is maling mali ito. At sa katotohanan marami sa mga sumasali ngayon nasa ganitong sistema kaya madalas walang nangyayari. At madalas maraming tao ang nawawalan ng pera.

Ang pag recruit or invite ay isang normal na paraan upang mapalaki ang sales force mo. Again SALES FORCE. Pero kung hindi mo alam kung ano ang tamang pamamaraan sigurado magiging katulad ka ng karamihan na hindi na mamalayan scamming method na pala ginagawa dahil naka focus sa recruiting para kumita.

Dont get me wrong monster baka isipin nyo na mali ang ginagawa ng mga mentor ng Aim Global about sa sinasabi nila recruit or invite. Ang mga tao dinadala natin sa main office or bco para makinig ng business presentation upang maunawaan ang negosyo na papasukin. Parang tour na rin para makita ang kagandahan ng business. At higit sa lahat makita nila mismo at marinig hindi lang dahil sa mga sinasabi natin ang win-win situation ng business. Wala naman kaseng seryosong tao na gusto mag negosyo na malulugi lang.

At saka hindi porke legal ang isang online business ay hindi na ito pwedeng maging scam. Marami na nangyayari na legal naman pero sa bandang huli nauuwi sa scam. Mag iingat tayo dito at sana maintidihan natin mabuti dahil sa atin mismo sa mga ginagawa natin ay pwede tayong makagawa ng scamming sa kapwa natin nang hindi natin namamalayan kung ang hangad lang natin ay kumita ng pera. Maraming mga nagsusulputang mga online business ngayon kaya mahalaga ay may sapat na kaalaman.

At ang kaalaman na ito ay mag sisilbing guide para magawa ng tama ang network marketing business upang higit na makatulong sa mga tao na nagtitiwala na sumasali sa ating network.

Sa next topic e-share ko naman sa inyo ang mga ideas kung paano gagawin tama ang network marketing buziness.

See you monster and Happy Networking!

 
 
 

コメント


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags

Disclaimer:

This portal is not the official company website of Alliance in Motion Global, Inc.. This is an independent distributor site which aims to contribute to the growth and expansion of AIM Global, Inc., by serving its current and potential distributors, clients and all persons interested in health, wellness and financial freedom.

bottom of page